Meron lamang pumapaligid sa aking isipan, diba nga't ang kahirapan ay sanhi ng pagtaas at pagdami ng krimen na nagaganap sa Pilipinas?
Maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan, at bunga din nito kung bakit nagkakaroon ng pagnanakaw, pagbebenta ng droga at iba pa, dala ng kakulangan sa pera.

Dahil sa isyung ito kumakapit sa patalim ang maraming tao, maraming naaapektuhan at gumagawa ng kasalanan upang matustusan ang kanilang pangangailangan.
Ito ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas o dumadami ang porsyento ng krimen sa bansa. Iwasan nating kumapit sa patalim dahil hindi ito ang solusyon upang malutasan ang kahirapan.

Isa pang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang Pilipinas ay ang katamaran ng mga tao, dapat marunong tayong maging masipag, mag tiyaga, at dumiskarte kung papaano maiaangat ang sarili natin sa kahirapan.
Ako ay naniniwala sa kasabihang "Education is the key to success" Kung bibigyan ng gobyerno ang kabataan ng libreng edukasyon ay tiyak na makatutulong ito.
Sapagkat ang edukasyon ay sandatang magagamit natin sa mga hakbang na dadaanan sa buhay, kung mayroon tayong katalinuhan at pormal na edukasyon, magagawa nating abutin ang ating mga pangarap, at makamtan ang tagumpay.

Dapat ding bigyan ng pagkakataon ang iba pang mga nakatatanda upang mag trabaho at masustentuhan ang kanilang pamilya hangga't kaya nila.
Bilang isang kabataan, ang aking maitutulong upang solusyunan ang kahirapan ay bigyan ng pag-udyok ang kapwa ko kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at makapagtapos sila ng kolehiyo.
Hindi pang habangbuhay ang kahirapan, kaya't tayo ay kumilos at dahil nasa atin lamang ang solusyon kung papaano natin maiiaangat ang sarili sa kahirapan na minsang sumira ng ating pag-asa.
Maraming salamat po.